GMA, atbp. ‘di guilty sa bribery, korapsyon sa 2004 polls

WALANG makitang sapat na ebidensya ang Office of the Ombudsman (OMB) para sa kasong bribery at korapsyon laban kina dating Presidente at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapaga-Arroyo (GMA) at anim pang umano’y kakutsaba nito.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, balewala na ang mga kasong criminal laban kina Arroyo, dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Virgilio Garcillano, dating Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General at dating Philippine Ports Authority (PPA) General Manger Alfonso Cusi, PPA Manager Efren Bollozos, dating Department of Justice (DOJ) Secretary Agnes Devanadera, dating Shariah Circuit Court Judge Nagamura Moner, at dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo.

Ang nagsampa ng kaso noong Agosto 2011 ay sina Pacasirang Batidor, Ahmare Balt Lucman, Hadji Rashid Limbona at Hadji Abdullah D. Dalidig.

Batay sa reklamo, sinasabing ang mga inakusahan noong May 2004 elections ay nakita sa mga lugar sa Mindanao na nagbibigay ng libreng transportasyon gamit ang 12 multi-cab at helicopter.

Namigay din umano sila ng mga sobreng may lamang pera sa mga hindi nakilalang election officers upang magsagawa ng pandaraya.

Ani Carpio-Morales, kulang ang mga ebidensiya sa mga ibinibintang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply