GMA hindi pa lusot sa kaso — DOJ

NILINAW ni Justice Secretary Leila De Lima na hindi pa lusot si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahit na ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong graft at bribery laban sa kanya.

Matatandaan na una nang ibinasura ng Ombudsman ang kaso laban kina Arroyo, dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, dating Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General at dating PPA General Manger Alfonso Cusi, PPA Manager Efren Bollozos, former Department of Justice (DOJ) Secretary Agnes Devanadera, dating Shariah Circuit Court Judge Nagamura Moner, at dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y dayaan noong 2004 elections sa Lanao Del Norte, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Sultan Kudarat at Cotabato City.

Binigyang diin ni De Lima na hindi applicable ang prinsipyo ng double jeopardy sa nasabing kaso na nangangahulugang maaari pa ring maipagharap ang mga ito ng kaparehong reklamo sa hinaharap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply