GMA lie-low muna sa Lakas-CMD

MISMONG si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang nagdesisyon na mag-lie low sa Bagong Lakas-CMD Party.

Kinumpirma ito ni House Minority Leader Danilo Suarez kasunod ng pahayag ni Senador Ramon “Bong” Revilla na dumistansya na umano ang dating Pangulo sa partidong Lakas.

Noon pa aniyang buwan ng Abril sila huling nagkausap ng dating Pangulo.

Ipinaliwanag ni Suarez na si Ginang Arroyo na mismo ang nakiusap na huwag na siyang hingan ng komento o anomang political positions dahil sa dinadala nitong mabigat na problema sa kanyang kalusugan.

Hindi rin aniya maituturing na kiss of death ito dahil hindi naman nila akalain na aabot sa ganito ang sitwasyon ng dating Pangulo na ngayon ay nakulong at nagkasakit pa ng malubha.

Kahit bahagyang nanahimik si Arroyo ay kinikilala pa rin nila itong Chairperson ng Lakas Party at pinahahalagahan pa rin nila ang panig o mga suhestyon na gusto nitong ipaabot sa grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply