Golden Boy: Sana si Bradley ang nagbigay ng belt kay Pacquiao

SINABI ni Oscar “The Golden Boy” De La Hoya sa kanyang Twitter account, sana ay ibinigay na lang ni Bradley ang belt kay Manny Pacquiao at siya na ang nag-anunsyo na ang Pinoy Champ ang tunay na kampeon matapos lumabas ang desisyon.

Sa halip, talagang pinangatawanan ni Bradley, 29-0, ang contract required match kay Pacquiao sa Nobyemre 10,

Mahina raw sumuntok si Pacquiao

“He’s not as good as everyone says he is,” pintas naman ni Bradley kay Pacquiao. “I didn’t feel a lot of power from him.”

Pero para sa boxing fans, mas maraming malalakas at solidong upak ang pinadapo ni Pacquiao kay Bradley lalo na ang may 14,206 na sumaksi ng live sa laban sa MGM Grand.

Maging ang lahat ng media sa buong mundo ay naniniwalang matapos ang laban, si Pacquiao ang panalo dahil halos tatlo lang ang ipinanalong rounds ni Bradley.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply