Grading system binago ng DepEd

BINAGO na ng Department of Education (DepEd) ang grading system sa mga mag-aaral sa pagpapatupad ng kagawaran sa ‘K to 12 program.

Sa halip na numero ang ilalagay sa report card ng mga mag-aaral gagawin na itong de letrang grading system base sa naging performance ng mga ito.

Ang mga nakakuha ng 90% pataas ay bibigyan ng markang ‘A’ o advance, ‘P’ o proficient naman ang ilalagay sa mga nakakuha ng 85% hanggang 89%, ‘AP’ o approaching proficiency para sa mga nakakuha ng 80% hanggang 84 %, ‘D’ o developing naman para sa mga may gradong 75% hanggang 79% at ‘B’ o beginning naman para sa mga nakakuha ng 74% pababa.

Ipinaliwanag ng DepEd na sa ganitong paraan, madaling malalaman ng mga mag-aaral ang kanilang grado sa paraang hindi masakit sa kanilang mga mata dahil wala nang red mark na nagsasabing bagsak sila sa isangasignatura.

Sa ngayon, inaayos pa ng DepEd ang guidelines para sa bagong grading system sa elementarya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply