Grupo ng magbubukid sumugod sa bahay ni PNoy

NAMUO ang tensyon sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at mga militanteng magsasaka ng sumugod at magprotesta ang mga ito sa bahay ni Pangulong Benigno Aquino sa Times Street, Quezon City.

Tatlong dyip na may sakay na mga miyembro ng grupong Katipunan ng mga samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) ang sumugod ngayon sa tahanan mismo ni Pangulong Aquino III sa Times Street, Quezon City upang manawagan na ipamahagi na sa kanila ang mga hacienda sa lalawigan ng Quezon.

Dalawa lamang sa tatlong naturang dyip ang nakalapit sa gate ng bahay ni PNoy dala ang kanilang placards na humihiling din ng pagbasura sa implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988.

Hindi na napigil ng mga awtoridad ang pagsasagawa ng programa ng mga magbubukid sa harap ng bahay ng Pangulo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply