Grupo ng third sex nagkawatak-watak sa pag-alis ng showbiz personality

KILALA at mahusay sa kanyang larangan ang showbiz personality na ‘to. Magaling din itong makisama sa lahat. Kaya naman nag-effort ang isang organisasyon ng third sex para gawin siyang miyembro nila.

Kamuka’t-mukat mo’y biglang umiskapo ang showbiz personality. Marami ang nagulat dahil ‘di pa siya masyadong nag-iinit sa naturang samahan lumayas na agad.

Heto ang nakuha naming tsika mula sa isang kasapi. Aniya, nagkawat-watak na raw ang gurpo nila dahil sa kanilang mga lider. Masyado raw mapapel ang mga ito. Na-insecure pa raw sa pagpasok ng kilalang personalidad sa showbiz. Dahil likas namang tahimik na tao at ayaw sa gulo nitong huli kaya minabuti na lamang nitong umalis.

Sa pag-alis ng bida natin, nagsunuran na rin ang karamihan sa miyembro. Yung iba sa kanila umangkas na sa ibang organisayon. Ang iba ay nagtayo ng sariling grupo.

‘Yan ang napapala ng maeepal na lider. Ang usapan kasi ay first nominee ang mabait na taga-showbiz, ilagay ba naman nila sa ilalim kaya hayan at nagpulasan tuloy ang mga kafatid! Hahaha!

Kung magladlad kaya ang sikat na aktor at sumapi sa inyo, ilalaglag n’yo rin dahil mas may name siya kumpara sa inyo?

Hay, naku! Dahil d’yan, baka ma-Luz Valdez na naman kaya sa darating na halalan.

***

Iwa Moto ‘di pinaniniwalaan

NAG-AALBURUTO si Iwa Moto dahil hindi siya pinapatulan ni Jodi Sta. Maria. Halos lumuwa na ang dila nito sa kadadakdak pero deadma lang ang magaling na aktres. Kulang na lang pati keps nito ay dumakdak na rin. Ang masakit pa, hindi pinaniniwalaan ng marami ang mga alegasyon ng dakdakerang ewan, este, Iwa. Hehehe!

Nagpakita pa ng mga pruweba ang hitad kung saan kasama niya sa larawan si Pampi, ang anak nito maging si Sen. Panfilo Lacson. Nadamay pa tuloy ang butihing senador ng bayan.

Bakit nga ba?

Kasi raw, comparing notes, makikitang matino namang babae si Jodi as compare to Moto na natsismis na pokpokita raw. Na kesyo galing sa beerhouse bago naging artista. Kumbaga sa husgado, maliban sa ebidensya, binibigyan din ng bigat ng judge ang pagkatao ng taong involve sa kaso.

***

Mga iniindorso ni Ate Vi sa fans pa lang bawi na

MARAMI ang nagtatanong sa amin, bakit daw hindi ang katapat ni Vilma Santos ang kinuha na maging endorser ng isang kilalang botika na may franchise sa buong bansa? Ang sagot namin, ang pagkuha sa isang endorser ay nakabatay sa kredibilidad nito. ‘Yun lang po. Hindi kami nagkukumpara sa iba.

Si Ate Vi, kaya naging gobernador ng Batangas dahil naniniwala sa kanyang kakayahan, kapasidad at pagkatao ang mga kababayan niya. At ito rin syempre ang nakita sa kanya ng may-ari ng botikang ito.

Hindi basta-basta itong bagong endorsement ni Gov. Vi dahil napakahalaga nito sa buhay ng tao, kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin ito. Isa rin sa prayoridad niya at isinusulong na proyekto sa Batangas ay itong tungkol sa kalusugan.

Imagine, sa libo-libong fans pa lamang ng Star for All Seasons ay bawi na ang iniindorso nya. May ilan nga sa mga mayayamang tagahanga ng magaling na aktres ay may franchise na nito.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply