Guidelines para sa seafarers ilalabas ng MARINA

MAGPAPALABAS ang Maritime Industry Authority (MARINA) ng guidelines para sa mga seafarer sa panahon ng malakas na ulan kahit walang bagyo.

Ito ay kasunod nang paglubog ng MV Josille 2 sa karagatang sakop ng El Nido, Palawan nitong Martes ng gabi.

Ayon sa MARINA, masama ang panahon at malakas ang ulan nang lumubog ang barko kahit walang storm warning na inisyu ang PAGASA.

Sinuspinde ng ahensya ang iba pang barko ng Atienza Shipping Company, may-ari ng lumubog na barko habang gumugulong ang imbestigasyon sa trahedya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply