Guidelines sa live coverage binabalangkas ng JBC

SINIMULAN na ng Judicial and Bar Council ang pagbalangkas ng guidelines para sa live coverage sa mga gagawing public interview sa lahat ng kandidato sa pagka-Supreme Court Chief Justice.

Gayunman, tumanggi muna si Atty. Jose Mejia, isa sa myembro ng JBC, na ihayag ang nilalaman ng nasabing draft.

Aniya, maraming mga bagay sila na dapat ikonsidera sa live coverage ng proceedings tulad ng kung ilan ang papayagan na makapasok sa loob ng pagdarausan ng interview, accreditation at iba pa na may kaugnayan sa teknikal.

Ang pinakamahalaga aniya na nais nilang tiyakin ay hindi ito makaaapekto sa kabuuan ng mga pagdinig.

Pero paglilinaw ni Mejia, lahat ng nakasaad sa draft ay kinakailangang maaprubahan muna ng en banc ng JBC sa darating na Lunes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply