Guidelines sa pagsapubliko ng SALN, inilabas na ng SC

BAGAMAT pinapayagan  na ng  Korte Suprema na maisapubliko ang Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN), personal data sheet at curriculum vitae, ay kinakailangan munang sumailalim sa itinakda nilang guidelines.

Ito ang sinabi ng Korte Suprema salig sa 22 en banc resolution kaugnay na pagpapalabas ng guidelines para sa pagsasapubliko ng 2011 SALN ng mga mahistrado, hukom at iba pang kawani ng hudikatura.

Ang pagsumite sa clerk of court ng Korte Suprema, Court of Appeals at Sandiganbayan nang kanilang mga kahilingan ay kabilang din sa panuntunan habang ang mga lower court naman ay sa Office of the Administrator.

Nakasaad din sa mga kahilingan ang malinaw na dahilan o purpose ng paghingi ng kopya at commitment na ilalagay sa website ng Korte Suprema.

Ang anumang desisyon ay manggagaling naman sa court en banc kung papayagan ang mga request.

Sakaling mga media naman ang nais na makahingi ng kopya ng SALN  ay kailangan naman maglakip ito ng kaukulang katibayan ng kanyang affiliation o accreditation sa kanilang organization.

Habang ang mga hindi myembro ng media na gustong mag-request ay dapat may kongkretong dahilan at hindi sa kagustuhan lamang o curiosity reason lamang ang paghingi ng kopya ng SALN.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply