Guingona, dudang maipapasa ang AMLA amendments

DUDA si Sen. Teofisto Guingona III na maipapasa ng Senado ang amendments sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) dahil kapos sa panahon ang Kongreso dulot ng nakatakdang sine die break na magsisimula sa Hunyo 7, 2012.

Kung hindi matutugunan ng Senado ang itinakdang deadline ng Financial Action Task Force na pagtibayin ng Pilipinas ang AMLA amendments bago magsimula ng plenaryo ng naturang pandaigdigang organisasyon, tiyak na mailalagay ang basa sa blacklisting.

“Baka hindi mahabol ng bicam. I don’t know. We will see. It’s really gonna be testy,” ayon kay Guingona.

“That’s why I’m not even sure whether we can hold hearings on Thursday or Friday because Monday or Tuesday and then Tuesday night we’ll go into bicam, can we finish the whole night until 5am and then have it ratified on Wednesday,  I don’t know. Baka hindi, we’ll not hold a special session,” dagdadg niya.

Sinabi ni Guingona na isa sa konsiderasyon na puwedeng gawin ng bansa upang maiwasan ang blacklisting, kailangan maghain ng apela ang PilIpinas sa FATF na magpupulong sa June 21-22.

“Maybe we can talk to the FATF that we have pass this in the House, and we pass this in the Senate, and have one bicameral conference, can you wait until July? At least nakita na we have passed it already,” ayon kay Guingona.

“Magmamakaawa lang,” giit pa niya.

Ngunit, sinabi ni Guinogona na hindi direktang Kongreso ang maghahain ng apela sa FATF kundi ihahabilin ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas na siyang kumatawan sa Pilipinas.

However, Guingona said Congress will not directly write FATF on these matters, but they will ask the people from Anti-Money Laundering Council (AMLC) to do the communication.

“We will let the BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) be the one to write the FATF, not us,” ani Guingona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply