Gun ban ipatutupad sa ARMM general registration

SINUPORTAHAN ng mga kongresistang nagmula sa Mindanao ang panukala ng Comission on Elections (Comelec) na magpatupad ng total gun ban sa general registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na gagawin sa susunod na buwan.

Malaki ang paniwala nina Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at YACAP Partylist Rep. Carol Jane Lopez na ang total gun ban ay makapaghihikayat ng mas maraming botante na magparehistro sa rehiyon.

Bukod dito, maiiwasan din ang posibleng pananakot at karahasan na karaniwang ginagawa ng mga armadong grupo sa ARMM.

Sa ganitong paraan, matitiyak din ang mapayapa at malinis na registration ng mga botante sa lugar dahil wala na silang pangamba sa mga armed groups na ang dala ay takot at perhuwisyo.

Pinuri din nina Datumanong at Lopez ang panukalang unang isinulong ni ARMM Gov. Mujiv Hataman sa Comelec na magpatupad ng total gun ban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply