Gun-for-hire arestado sa Nueva Ecija

ARESTADO ang isang hinihinalang hired killer kasunod ng isinagawang operation ng mga awtoridad kaninang madaling araw sa lalawigan ng Nueva Ecijian, sa ulat ng pulisya.

Kinilala ni PNP spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., ang naaresto na si Gelacio Vero y Castillo alyas Darwin/Monching/Dapo/JR/RJ.

Nabatid na hinihinalang miyembro ng isang gun-for-hire group na kumikilos sa bahagi ng Aliaga, Nueva Ecija si Vero na dinakip sa bisa ng pinalabas na warrant of arrest ni Hon Judge Juanita C Tienzo ng RTC Br 27, Cabanatuan City sa loob mismo ng kanyang bahay sa Purok 1, Brgy Betes, Aliaga, Nueva Ecija.

Ang suspek ay itinuturing na No. 3 most wanted criminal ng Region 3 at may patong na P90,000 para sa kanyang ikadarakip.

Sinasabi pa sa ulat na kasapi ito ng Red Vigilante group (RVG), ALAB KATIPUNAN na nakabase sa Nueva Ecija at itinuturong responsable sa pagpatay kina Domingo Mariano, Fernando Nicolas alyas Bayot at Nerito Sandian.

Narekober sa loob ng kanyang tahanan ang isang Baby Armalite rifle; tatlong long mags; 31 live ammo parta 5.56mm; 1 cal .45 pistol at magazines na may 2 live ammo.

Hawak na ngayon ng PPSC-NEPPO ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply