Guro, dinukot sa Misamis Oriental

MALAKI ng posibilidad na may kaugnayan sa agawan sa panunungkulan ang pagkakadukot sa isang guro na itinalagang Officer In Charge (OIC)-principal sa Hinigdaan High School sa barangay Hinigdaan, El Salvador City Misamis Oriental.

Lumalabas sa imbestigasyon na papauwi na ang guro na nakinilalang si Erwin Respito nang harangin ng dalawang lalaki at pwersahang isinakay sa isang mini van.

Nasaksihan ng mga estudyante ang pangyayari ngunit walang nakakita sa plate number ng van na papunta ng Cagayan de Oro City.

Batay sa ulat, naitalaga ang biktima bilang OIC ng paaralan dahil bagong bukas ito.

Dalawang anggulo ang tinututukan ngayon ng mga awtoridad na maaaring may kaugnayan sa trabaho o personal na galit sa biktima ang motibo ng pagkakadukot sa biktima.

Sa ngayon ay hindi pa umano nakauuwi ang biktima at wala pang negosasyon na nagaganap kung may ransom na hiningi ang mga suspek kapalit ng kalayaan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply