Guro nanampal ng stude, kinasuhan ng child abuse

LAOAG CITY – Isang guro ng Banna Central Elementary School sa Ilocos Norte ang sinampahan ng kaso sa lokal na Department of Education (DepEd) matapos nitong pagsasampalin gamit ang tsinelas ang isang elementary pupil na nagbabasa lamang sa nasabing paaralan kahapon ng umaga.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Remate, kinilala ni Banna DepEd district supervisor Josepf Rommel Andres ang gurong nahaharap sa kasong child abuse na si Maricris Gacula, isang grade 4 teacher sa nasabing paaralan.

Ayon sa ina ng bata na si Rebecca Mangoba, isinumbong sa kanya ng anak niya ang umano’y pananampal ng guro sa kanya habang nagbabasa.

Depensa naman ng guro, akala niya ay hindi nakikinig sa kanyang itinuturo ang bata kaya’t nasampal niya ang bata.

Matapos ang insidente, nag-file ng leave ang nasabing guro at takot na din ang bata na pumasok sa kanilang paaralan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply