Habambuhay na kulong sa lider ng kulto

HABAMBUHAY (reclusion perpetua) na pagkabilanggo ang hatol sa 58-anyos na lider ng kulto na napatunayang nanghalay sa may 13 menor de edad na nagsilbing alay sa kanilang altar sa lungsod ng Marikina.

Si Antonio Duwala Faelnar na nakakulong sa New Bilibid Prison mula pa noong 2007 ay nahatulan ng habambuhay na pagkabillango ni Judge Geraldine Macaraig, ng  RTC  Branch 192 sa 10 counts of rape kasabay ng promulgation sa RTC Branch 168 ni Judge Lorna Catris Chua-Cheng na kapwa reclusion perpetua.

Samantala ang mga biktima na pawang menor de edad ay kababayan ng suspek sa Surigao.

Napag-alamanan na ang nasabing ‘kulto’ ay nagre-recruit ng mga kabataang babae at lalaki sa kanilang lugar sa Surigao upang kunwari ay bigyan ng magandang trabaho subalit pagdating sa Maynila, ang mga lalaki ay pinagtatrabaho bilang laborer sa gusaling ipinagagawa ni Faelnar sa kabila ng murang edad ng mga ito. Ang gusali ay may basement kung saan naman dinadala at ginagahasa ang mga dalagita.

Lumitaw sa record ng korte, na inuutusan ni Faelnar ang mga biktima para imasahe ang kanyang buong katawan mula ulo hanggang paa saka niya babasahan ng Biblia. Pagkaraan ay hahalayin na niya ang dalagita at sasabihing ang nangyari ay “alay sa Panginoon.”

Araw-araw ay iba’t ibang biktima ang hinahalay sa basement ngunit hindi nagkaalaman ang mga biktima dahil mahigpit silang binibilinan ni Faelnar na huwag magkukwento ng nangyari dahil may masamang mangyayari.

Nabisto lamang ang kahayupan ni Faelnar nang magreklamo ang dalawa sa mga dalagitang biktima at magsumbong sa kanilang magulang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply