Hardware hinoldap, 1 kritikal

NASA malubhang kondisyon ngayon ang isang karpintero matapos itong barilin ng isa sa dalawang holdaper na nangholdap sa isang hardware kahapon ng hapon (Hunyo 27) sa Caloocan City.

Ginagamot sa MCU hospital si Mateo Sandel y, Bernardino 45, may-asawa, karpintero, ng Don Benito St., Barangay 21 ng nasabing lungsod sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 38 sa kaliwang tainga.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang armadong holdaper na nakasuot ng helmet at kulay blue na sleeveless shirt na may nakasulat na “Recom Echiverri.”

Base sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Ferdinand Orbita, ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan police, alas-3:45 ng hapon ng maganap ang insidente sa Bebot Hardware sa Brgy. 21 Caloocan.

Nabatid na abala si Laurence Yu, may-ari ng hardware at ang kanyang mga empleyado ng pumasok ang mga suspek at sabay-sabay na sumigaw ng holdap.

Tinutukan ng baril si Yu at inatasan ang lahat na dumapa pero tumanggi ang biktima kaya binaril ito sa tainga.

Agad na tumakas ang mga suspek tangay ang mamahaling cellphone ni Yu at cash na P10.000 habang ang duguang biktima ay dinala sa nasabing ospital.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply