Haybol niratrat: Ginang utas, mister at 5 anak ligtas

PATAY agad ang isang ginang habang himalang hindi naman tinamaan ang mister nito at limang anak nang ratratin ng mga dalawang lalaki ang kanilang bahay sa Cebu kaninang madaling araw.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo na tumagos sa noo at batok ang biktimang si Prima Aying, 42-anyos ng Barangay Mactan, Lapu-Lapu City.

Sa kabutihang palad, hindi man lamang nagalusan ang mister ni Prima na si Gerry, 45-anyos at limang anak nito na hiniling na hindi ibunyag ang mga pangalan para sa kanilang kaligtasan.

Blangko pa ang awtoridad kung sino ang mga nasa likod ng krimen pero may hinalang may kinalaman ito sa naganap na girian sa pagitan ni Gerry at isang nagngangalang Onyot na bumaril sa kanyang kapatid nitong nakaraang buwan lamang.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa mismong bahay ng pamilya Aying.

Ayon kay SP01 Manolito Abellanosa ng homicide section ng Lapu- Lapu City Police Office, bago ito ay biglang dumating ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo at biglang niratrat ang bahay ng mga biktima at saka tumakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply