Health benefits ng luya

KILALANG sangkap at pampalasa ang luya o ginger sa ilang pagkaing Pinoy gaya ng tinola.

Kilala rin itong pampakondisyon ng lalamunan kaya naman ang mga singer ay ngumunguya nito o kaya naman ay lumalagok ng salabat, na isang inuming gawa rin sa luya. Ang salabat ay pinakuluang luya at tubig, maaari itong lagyan ng asukal ngunit mas mainam kung wala.

Ang luya ay isang perennial plant, na kilala sa naipoprodyus niyang “white at yellowish-greenish flowers.” Kilala rin ang luya sa itsura nito na walang definite na hugis o “twisting rhizoid.”

Ayon sa mga ulat, nag-originated ang luya sa China ngunit matatagpuan din ito sa iba pang parte ng mundo tulad sa India at mga bansa South West Asia, West Africa at sa Caribbean.

Mayroong matapang na aroma o amoy ang luya. Kilala rin ito sa kanyang maanghang na lasa. Ito ang nagpapatunay na nagtataglay ang luya ng tatlong porsiyento ng (3%) natural essential oils.

Marami ring mabuting dulot sa kalusugan ang pagkonsumo ng luya.

Narito ang ilan:

1. Ang luya ay may “carminative properties” (anti spasmic) na nakapagpapakalma ng kumukulo o upset na tiyan.

2. Ang pagngata ng luya ay nakatutulong na ma-stimulate ang paglabas ng mucus o sipon at nakatutulong na mabawasan ang pagkahol kapag may ubo dahil ito ay nakapagpapaginhawa ng nangangating lalamunan.

3. Nagtataglay ng anti viral, anti toxic at anti fungal properties ang luya. Nakapagpapagaling ito ng common cold o sipon.

4. Ang luya ay nagsisilbing antihistamine at nakatutulong sa paggamot ng allergies.

5. Ayon sa mga pag-aaral lumalabas na ang luya ay nakababawas ng cholesterol levels at nakatutulong na makaiwas sa pagbubuo ng blood clots.

6. Nagtataglay ang luya ng special enzymes na responsable sa pagpaparami o pagpapalabas sa protina ng ating mga kinakaing pagkain na nakapagpapabuti sa digestion at makaiwas sa cramps.

Nabatid na ang ancient Greeks ay kumakain ng luya pagkatapos ng heavy meal para ma-ease ang proseso ng digestion.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply