Health conditions na kalimitang makikita sa mga bata

ILAN sa mga disorders, gaya ng anxiety disorder, eating disorder, mood disorder at schizophrenia ay ‘di lang nakikita sa mga matatanda ngunit pati sa mga bata. Ang iba ay nagsisismula sa kanilang childhood ngunit pwede itong magtuloy-tuloy hanggang sa pagtanda nila. At hindi na rin nakakapagtaka para sa mga bata ang pagkaroon ng isa o higit pang disorder.

Mayroong iba’t ibang uri ng mental disorder na maaaring makaapekto sa bata at sa paglaki nito gaya ng:

• Anxiety Disorder

Ang mga batang may anxiety disorder ay nakakatugon sa ilang mga bagay o sitwasyon ng may matinding takot at kaba, gayundin ang ilang pisikal na senyales ng anxiety tulad ng mabilis na pagtibok ng puso at pagpapawis.

• Attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD)

Ang mga batang may ADHD ay kadalasang nagkakaroon ng problema sa pagtuon ng atensyon at konsentrasyon. Posibleng hirap sa pagsunod sa direction, madalas maging bugnutin at talagang napakalikot.

• Disruptive behavior disorder

Mga batang may ganitong disorder ay ‘di nakikinig sa mga utos at alituntunin, madalas abala sa kaniyang paligid tulad sa pagaaral.

• Persuasive developmental disorder

Mga batang may ganitong disorder ay lito kapag sila’y nag-iisip at madalas hirap sa pag-iintindi sa mga bagay sa kanyang paligid.

• Eating disorders

Problema sa pagkain kaakiba’t din nito ang masidhing emosyon at pag-uugali at unusual behavior na may kinalaman sa timbang at pagkain.

• Elimination disorders

Ito’y nakakaapekto sa behavior na may kinalaman sa pagdumi o pag-ihi.

• Learning and Communication disorders

Mga batang may ganitong disorder ay hirap sa pagproseso ng mga nakalap niyang impormason. At may problema sa pagre-relate ng kanyang mga saloobin at ideya sa iba.

• Affective (mood) disorder

Ang ganitong disorder ay may kinalaman sa madalas makaramdam ng pagkalungkot at mabilis na pagbabago ng mood kasama na ang dipresyon at bipolar disorder.

• Schizophrenia

Ang disorder na ito ay may kinalaman sa distorted perceptions at thoughts.

• Tic disorder

Ito ay sanhi ng paulit-ulit na paggawa ng isang bagay, ito ay involuntary o hindi intensyonal, gaya ng madalas na paggawa ng mga kung anu-anong pagkilos o tunog na tinatawag na tics.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply