‘Hello, Garci’ scandal muling paiimbestigahan

NAIS ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na paimbestigahan muli sa Senado ang “Hello, Garci” scandal na yumanig sa bansa pitong taon na ang nakakaraan upang tuluyan nang matukoy kung sino ang tunay na may kasalanan at malaman kung nananatili pa sila sa Commission on Elections (Comelec).

Bago mag-adjourned ang Senado kahapon, Miyerkules, nag-privilege speech si Cayetano na nagsasabing “Today, we are celebrating the seventh year of the “Hello, Garci”. It was on this day that a press secretary played two electronic copies of the “Hello, Garci” tapes. This Hello, Garci issue then became the mother of all evil issues – of cheating, stealing and of lying by the highest officials of the land as well as the efforts to cover it all up.”

“Kahit naisampa ang kaso sa pandaraya sa 2007 election, mayroon pang mga gusot na hindi nalulutas hinggil sa 2004 elections. Nakakalungkot na nananatiling nahaharap lamang at hindi nalulutas ang kaso ni Commissioner Virgilio Garcillano. Masakit pa nito, lahat ng sinasabing Garci boys ay nai-promote pa sa pangunahing posisyon sa Comelec,” aniya.

Sinabi pa ni Cayetano na hindi nakapagtataka kung bakit maraming testigo ang umuurong na ilantad ang kanilang nalalaman sa dayaan at tumestigo sa korte.

“Nakikita kasi nila na nananatili sa posisyon ang mga taong sangkot sa dayaan at nakakuha pa ng retirement benefits,” himutok ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply