Helper na lasing tigok sa boga ng sekyu

PATAY ang isang 23-anyos na house helper matapos itong barilin ng isang guwardiya dahil sa sobrang kakulitan at pag-iingay bunga ng sobrang kalasingan sa Binondo, Maynila, kagabi (Huny0 3).

Ang biktima ay nakilalang si Jeffrey Mantalapat, stay-in house helper sa Penarubia Steet, Binondo, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, lasing ang biktima at nagsisigaw sa lugar kaya naman nabulahaw ang mga residente.

Dahil dito, pinagsabihan ng sekyu na si Jerome Gernante ang biktima subalit hindi ito nagpaawat. Nauwi sa pagtatalo hanggang mabaril ng sekyu ang biktima gamit ang service firearm nitong shotgun.

Dead on the spot si Mantalapat habang mabilis na tumakas ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at pinaghahanap si Gernante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply