Henares ‘di pakakawalan sa BIR– Palasyo

MAS lalong hindi pakakawalan ni Pangulong Benigno Aquino III si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacito Henares sa posisyon nito at tila wala ng panahon pa na hintayin ang desisyon na umupo bilang susunod na Chief Justice ng Supreme Court.

Ito ay dahil sa mataas ang koleksyon ng BIR ngayong taon.

Ibinalita ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na nakakolekta ang nasabing ahensiya ng P95.55 billion para sa buwan ng Mayo 2012 na mas mataas ng 7.26 percent sa P89.15 billion noong Mayo ng nakaraang taon.

“Well, they have large collections also from the large taxpayer service—from what I understand. And the collections from the regional offices have consistently showed double digit growth for the first five months. So mukhang tumataas po ‘yung collections nila talaga doon sa regional offices apart from collections from the large taxpayer service,” aniya pa rin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply