Henares nangangarap maging CJ – Chiz

MAKARAANG ipangalandakan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Chief Kim Henares na naka-uungos siya sa mga nominado sa pagka-punong mahistrado, ipinahayag naman ni Senador Francis Escudero na hindi masamang mangarap.

Sa reaksyon ni Sen. Escudero kay Kim Henares na hilaw pa kung sino ang ilalagay sa puwesto bilang sa mga nominadong punong mahistrado.

Sa kabila nito, tumanggi si Escudero, na miyembro ng Judicial and Bar Council, na agarang husgahan o magsalita pabor o kontra sa sinumang nominado sa CJ post.

Si Escudero ang isa sa boboto o pipili ng mga dapat makasama sa shortlist ng JBC .

Samantala, aminado naman ang Malacañang na kabilang si Henares sa kanilang mga napipisil na ipapalit kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito’y kasunod ng pagkakasali ng pangalan ni Henares sa shortlist ng JBC, na siyang pagpipilian para sa susunod na punong mahistrado.

Gayunman, sinabi ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na kailangan pa ring timbangin ni Pangulong Noynoy Aquino ang magiging implikasyon sakaling alisin sa BIR ang kalihim.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply