Henry Sy pinakamayaman pa rin sa Pinas — Forbes

NANANATILI pa ring ang Tsinoy at business tycoon na si Henry Sy ang pinakamayamang tao sa Pilipinas, batay sa Forbes Asia magazine.

Nabatid na aabot sa higit $9.1 bilyon ang net worth ng may-ari ng SM Prime, kung saan tumaas ng mahigit sa $1.9 bilyon ang kayamanan nito mula noong 2011.

Si Sy ay sinundan sa listahan ng owner ng flag carrier na Philippine Airlines (PAL) na si Lucio Tan na may net worth na mahigit $4.5 bilyon na tumaas ng $1.9 bilyon noong isang taon.

Narito ang top 10:

1. Henry Sy ($9.1 bilyon, SM Prime)
2. Lucio Tan – ($4.5 biyon, Phillip Morris Fortune Tobacco)
3. Enrique Razon Jr. ($3.6 billyon, International Container Terminal Services)
4. John Gokongwei Jr. ($3.2 bilyon, JG Summit)
5. David Consunji ($2.7 bilyon, DMCI)
6. Andrew Tan ($2.3 bilyon, Alliance Global)
7. Jaime Zobel de Ayala ($2.2 bilyon, Ayala Corp.)
8. George Ty ($1.7 bilyon, Metropolitan Bank)
9. Roberto Ongpin ($1.5 bilyon, Atok-Big Wedge)
10. Eduardo Cojuangco Jr. ($1.4 bilyon, San Miguel)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply