Hindi magkakaroon ng tsunami – Phivolcs

PINAWI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko na magkakaroon ng tsunami kasunod ang magnitude 6 na lindol na tumama sa Candelaria, Zambales
kaninang alas-6:18 ng umaga.

Ayon kay  John Paul Pallarmo, Phivolcs Science and Research specialist, na walang banta ng anumang tsunami sa Zambales kasunod ng pagyanig, na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

Ayon naman kay Zambales Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Gracela Macabiri, makalas na lindol ang naramdaman sa lalawigan ngunit walang naitalang pinsala sa
naturang lalawigan.

Nauna na ring sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na walang naiulat na pinsala sa pagyanig, na naramdaman sa ibat-ibang panig ng
bansa.

Samantala, ayon kay Phivolcs Science and Research specialist Karl Vincent Soriano, naitala ang epicenter ng lindol sa 52 kilometro ng timog-kanluran ng Candelaria, Zambales.

May lalim na 12 kilometro ang lindol, na tectonic in origin.

Sinasabing ang paggalaw ng Manila Trench o ng isang local fault system ang dahilan ng pagyanig.

Nabatid sa ulat ng Phivoilcs, may tatlong aftershocks na ang naitala kabilang ang isang magnitude 3 na aftershock.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply