Hindi na maawat

WALA na talagang makapipigil sa pag-ahon ng Honda Cars Philippines Inc. (HCPI). Naaalala niyo pa ba ang nangyari sa kanila noong isang taon sa kanilang planta sa Japan at Thailand? Ang akala ng marami ay matatagalan pa bago makabawi ang kompanya mula sa tsunami at pagbaha.

Itong nakaraang Miyerkules ay inilunsad ng HCPI ang kanilang bagong dalawang produkto, ang Pilot at Odyssey.  Sa kabuuan, limang sasakyan na ang inilalabas ng HCPI mula pagpasok ng taong ito. Sweet revenge nga ba?

Ang Honda Pilot ay isang Sport Utility Vehicle (SUV) na may 3.5L i-VTEC V6 na makina na nagbibigay ng 253 horsepower. Ito ay four-wheel drive at may five-speed automatic transmission. Ang Pilot ay nagkakahalagang P2.6 million.

Ang Honda Odyssey ay isang Ultimate Family Vehicle kung tawagin ng HCPI.  Ito ay parang itsurang van pero hindi ganung kataas. Parehas ng makina ng Pilot ang eight-seater na Odyssey na may five-speed automatic transmission at lakas na 247 horsepower.  Nasa P2.8 million ang presyo ng bagong Odyssey.

“We believe that these characteristics of the Odyssey and the Pilot will also be appreciated by our customers in the Philippines,” sabi ni HCPI President at General Manager Tatsuiya Natsume.

“We have observed Filipino families going out together during weekends and enjoying each other’s company, whether in a mall or in an out-of-town getaway. With the Odyssey and the Pilot, these customers will be ensured of an enjoyable traveling experience together with their families.”

Congratulations HCPI!

*****

Nagdiwang noong Huwebes ng ika-25 anibersaryo ang longest running motoring TV show sa Pilipinas, ang Motoring Today. Ito ay ginanap sa Valle Verde Country Club sa Pasig City na pinangunahan mismo ng host at pangulo ng Sunshine Television na si Ray Butch Gamboa. Malayo na ang narating ng programang ito na unang umere sa PTV-4 taong 1987.  Tulad ng HCPI, wala ring makakawat kay “Daddy Butch” sa patuloy na pagbigay ng pinakamainit na balita ukol sa motoring pati na rin sa mga isyung nasasakupan nito.

Happy 25th anniversary Motoring Today and more power to you Daddy Butch and to the rest of Sunshine Television!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply