Hindi nagbigay ng P2, tinarakan

SUGATAN ang isang delivery boy nang saksakin ng tatay ng tinanggihan bigyan ng P2 ng una makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa likod si Marlon Miralles, 19 ng BNBA compound, ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Arman Dela Fuente, nasa hustong gulang ng 6th avenue ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng madaling araw, nag-aalmusal ang biktima sa Maria Clara st., 7th Avenue ng lungsod nang lapitan ng anak ng suspek na nakilala lamang sa alyas Toto at hinihingan ng P2 si Miralles.

Hindi nagbigay ang biktima na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa sumulpot ang suspek at tarakan sa likod ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply