Hindi paglagda ni PNoy ng waiver idenepensa

IDENEPENSA nina Senador Serge Osmeña at TG Guingona ang hindi paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa waiver upang makalkal ang kanyang SALN at mga bank account.

Anang dalawang senador, naging bukas naman si Pangulong Aquino sa kanyang Statements of Assets and Liabilities and Net Worth.

Inihalimbawa pa ng dalawang senador ang mga bansang Japan, Canada at United Kingdom kung saan ang mga lider o pangulo ng bansa ay hindi pumipirma ng waiver para makalkal ang kanilang SALN.

Iginiit ng dalawang senador na dapat maging balanse ang transparency at right to privacy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply