Hirit na P50 flagdown rate sa taxi iniurong

INIURONG muna ng Philippine National Taxi Operators Association (PINTOA) ang hirit nilang P50 na flagdown rate sa taxi.

Sa pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kinumpirma ng PINTOA sa pamamagitan ng kanilang abogado na hindi muna nila isusulong ang P50 na flagdown rate bunsod ng pagbaba ng presyo ng gasolina.

Hiniling naman ng National Council for Commuter Protection sa LTFRB na ibalik sa P30 ang flagdown rate sa taxi mula sa kasalukuyang P40.

Ayon sa NCCP, malaki na ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Bukod pa rito, marami rin anilang paglabag ang mga taxi driver sa mga kautusan ng LTFRB tulad ng hindi pag-iisyu ng resibo, hindi pagsusuot ng uniporme at hindi pagbibigay ng tamang sukli sa mga pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply