Hirit ni Castelo: National artists award palitan ng peoples’ award

POSIBLENG magsumite ng petistyon  ang Dakilang lahi foundation sakaling may nagaganap na deskriminasyon sa pagpili ng national artist para sa mga artistang Filipino.

Ayon kay Anthony Castelo, isang composer/singer at Presidente ng Dakilang Lahi Foundation sa ginanap na balitaan sa Tinapayan, plano nilang mag-file ng petisyon sa Kongreso upang idemolish na lamang ang National artist Award dahil sa makalumang polisiya at criteria sa pagpili ng gagawaran ng award.

Ginawa ng composer ang kanyang pahayag dahil na rin sa hindi madesisyunang pagbahagi ng national artist award kay Comedy King Dolphy na ngayo’y nanantiling inoobserbahan sa Makati Medical City dahil sa kanyang karamdaman.

Sinabi ni Castelo na imbes na National artist award ay palitan na lamang ng Peoples Award dahil marami, aniyang, mga batikang artista, diretors sa industriya ng pelikula ang nabalewala at hindi nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng karangalan sa kabila ng mga naibahagi nilang kontribusyon sa bansa.

Base rin, aniya, sa pagsasaliksik ni Castelo sa NCCA at  sa Cultural Center of the Philippines (CCP) si Dolphy  ay nakasama sa nominasyon noong 2009 ngunit hindi nabigyan ng pagkakataon na makamit ang award ng pagkilala.

Giit pa ng composer na nakatali ang kamay ng pamunuan ng NCAA sa existing policy at criteria na makaluma.

Ilang mga sector ng lipunan at maging ang mga senador ay nanawagan na rin na ibigay na ang naysaying award kay Pidol habang maaga pa ngunit tila hindi umano nilolooban ng sentiments ng NCAA ang  panawagan ng mamamayang Filipino.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply