Hirit ni Tulfo: Mga kasong isinampa nina Raymart, Claudine ibasura!

HINILING ng beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo sa Pasay City  Prosecutors Office na ibasura ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto.

Batay  sa kanyang 12-pahinang katugunan sa kasong physical injury at paglabag sa Republic Act 7610 o child abuse na isinumite sa tanggapan ni Pasay City Assistant City Prosecutor Manuel Loteyro kahapon, nakasaad na malinaw sa lumabas na video footage na siya ang nagulpi nang husto ng mag-asawa, sa tulong ng kanilang kasamahan.

Bukod sa hiling ni Tulfo na ibasura ang naturang kaso, inilakip pa nito ang kanyang medico legal certificate na magpapatunay na nagtamo siya ng pinsala dulot ng pambubugbog, pati na ang rekomendasyon ng kanyang neurosurgeon na si Dra. Kathleen Joy Khu na magpahinga muna ng 30-araw.

Kung mayroon din aniyang nagkasala sa kasong child abuse, ito’y walang iba kundi ang mag-asawang Raymart at Claudine at kanilang mga kaibigan dahil sa harap mismo ng kanilang mga anak isinagawa ni Claudine  ang pagtataray at pag-alipusta sa ground attendants ng Cebu Pacific matapos maiwan ang kanilang bagahe.

“Kung nagkaroon man ng trauma at child abuse ang mga bata, sila at kanilang mga kaibigan ang dapat na sisihin at hindi ako,” pahayag ni Tulfo sa mga mamamahayag.

Malinaw naman aniya sa isinasaad sa R.A. 7610 na ang child abuse ay direktang pag-abuso at pagmamaltrato sa bata na hindi naman niya ginawa.

Wala umano siyang ginawang paglabag sa batas at ang naganap na insidente na nasaksihan ng mga bata, kung saan siya ang naagrabyado, ay isang pangyayaring hindi maiiwasan at wala sa kanyang kontrol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply