Hog dealer tigok sa tarak ng matansero

TIGOK ang isang hog dealer nang pagsasaksakin ng nakatalong matansero sa loob ng slaughter house sa Caloocan City, kaninang madaling araw.

Patay na nang idating sa Pagamutan Bayan ng Malabon si Ciriaco Hererra Y Moncerina, 61, may-asawa, meat dealer ng Kabulusan 1-A Caloocan City, sanhi ng dalawang malalim na saksak sa katawan.

Mabilis namang tumakas si Ranulfo S. Capintog 42, matansero at residente ng 1933 Tioco Tondo, Manila.

Ayon sa ulat, ganap na alas-12:55 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa tapat ng main gate ng slaughter house sa Brgy. 8, Caloocan.

Base sa pahayag ng saksing si Jhon Yap 31, drayber ng biktima na sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Hererra at Capintog sa loob ng gusali.

Nagpasyang lumabas si Herrera subalit sinundan ito ni Capintog at pagsapit sa nasabing gate agad nagbunot ng patalim ang huli at dalawang ulit na sinaksak ang amo.

Matapos ang pananaksak, ay tumakas ang salarin bitbit ang ginamit na patalim habang isinugod naman ang biktima sa ospital.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad at inalam ang tunay na motibo habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban kay Capintog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply