Hog raisers hinimok na tumalima sa MOA

HINILING ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa Hog Raisers Association of the Philippines na tumalima sa kanilang matagal nang kasunduan na nilagdaan sa isang convention nitong Abril sa Cebu.

Nakasaad sa kanilang memorandum of agreement na magtatalaga ang grupo ng mga eksperto na siyang mag-oobserba at magmo-monitor ng customs clearances at iba pang pamamaraan para matiyak ang maayos na koordinasyon sa lahat ng papasok na importasyon ng karne sa pagitan ng Bureau of Animal Industry, National Meat Inspection Service at ng Bureau of Customs.

Nakapailalim sa BOC-HRAA, katulad ng mga nilagdaan pang MOA sa Federation of Philippine Industries, Philippine Chamber of Commerce and Industry, na kabilang sila sa gagawing pag-iinspeksyon sa lahat ng darating na importasyon ng karne sa bansa.

Magugunita na binira ng hog raisers ang talamak na smuggling ng karne sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply