Holdaper bugbog-sarado sa taumbayan

HALOS lantang gulay nang tigilan sa bugbog ng taumbayan ang isang holdaper nang masakote ito matapos holdapin ang isang estudyanteng nag-aabang ng sasakyan kagabi sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Jorge Sevilla, 17, estudyante at residente ng Bulacan, Bulacan habang ang suspek ay nakilalang si Wilfredo Bogs Cruz, 42, jobless, ng #76 Espira Street, Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Rogelio Saraboso ng PCP-4, naganap ang panghoholdap dakong 11:30 gabi sa may J. P. Rizal Avenue, cor. 5th Avenue ng nasabing lungsod.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naghihintay ng masasakyan bus ang biktima sa lugar ng insidente patungong Bulacan nang lapitan ng suspek at tutukan ng patalim sabay deklara ng holdap.

Mabilis na kinuha ng suspek ang wallet na may lamang P6,000 at cellphone ng biktima saka naglakad palayo sa lugar.

Sa kabila ng takot, nagawa pa ring makahinging saklolo ng biktima na ikinatawag-pansin ng taumbayan at nahuli ang suspek saka kinuyog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply