Holdaper nadakip sa Caloocan

NADAKIP ng mga pulis ang isang holdaper matapos inguso sa mga barangay tanod ang una na pagala-gala habang nakasukbit ang baril sa Caloocan City Lunes ng umaga, Hunyo 4.

Nakilala ang suspek na si Harjay Sauro, 23 ng Champaca st., Maligaya Park ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga, isang hindi na pinangalanang lalaki ang nakakita sa suspek sa pagala-gala sa Maligaya Park ng lungsod na naging dahilan upang itawag sa mga barangay tanod.

Hindi na nakapalag ang suspek nang palibutan ng mga tanod at nakuhanan ng paltik na baril.

Si Sauro ay sinasabing sangkot sa mga holdapan sa Caloocan City at kalapit na lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply