Holdaper dinampot sa inuman

KULONG ang isang holdaper matapos mahulihan ng baril habang nakikipag-inuman sa Caloocan City kagabi, Hunyo 14.

Nakilala ang suspek na si Marco San Juan, 35 ng Kiko, Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi, nagpapatrulya ang mga pulis nang mamataan ang mga kalalakihan na nag-iinuman sa nasabing lugar.

Napansin ng mga pulis ang nakabukol sa beywang ng suspek at nang kapkapan ay nakuha ang kalibre .38 baril dahilan para sitahin ito.

Dahil walang maipakitang dokumento ay binitbit ito sa presinto.

Positibo namang itinuro ng biktimang si Robinson Tamayo, 30 ang suspek na siyang nangholdap sa una sa Pasillo, Kiko, Camarin kahapon ng alas-dose ng hatinggabi.

Hindi naman nabawi ang cellphone at pera ng biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply