Holdaper, magnanakaw nanood ng laban ni Pacquiao

NANOOD ng laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at ng katunggali nito na si Timothy Bradley Jr. ang mga holdaper at magnanakaw sa Quezon City makaraang walang maitalang malaking insidente ng krimen sa naturang lungsod habang nagaganap ang laban ni Pacquiao kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), walang naitalang malaking kaso ng krimen sa QC habang nagaganap ang laban ni Pacquiao-Bradley Jr.sa MGM Grand Las Vegas, USA.

Nabatid pa sa ulat na walang rin naitalang malalaking insidente ng krimen at kaso sa labing dalawang istasyon ng QCPD mula sa station 1 Laloma hanggang station 12 Libis .

Maliban sa dalawang vehicular accident na naitala sa Laloma at Brgy. San Antonio, QC kahapon ng madaling araw wala nang naitalang malaking insidente ng krimen at kaso ang Quezon City police.

Naging maluwag din ang mga pangunahing kalsada ng QC habang nagaganap ang laban ng Pacquiao-Bradley kabilang dito ang kahabaan ng Edsa mula Balintawak hanggang Cubao, Mindanao Avenue, Quirino Hiway Novaliches, North Avenue, East Avenue, Agham Road, A.Banifacio Avenue, Quezon Blvd., Elliptical Road, Commonwealth Avenue, Kalayaan Avenue, Congressional Avenue, Novaliches area at Fairview area.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply