Hollywood movie ni Manny Pacquiao posibleng magdala ng kamalasan

MAY pelikula na bang hindi minalas si Manny Pacquiao? At pati mga TV shows niya, kinagat na ba ng masa?

Wala pa, hindi po ba?

Meaning, talagang walang appeal si Manny kapag kailangang magbayad pa ang taumbayan para lang mapanood siya.

Bilang boksingero, successful siya. Ipinagbubunyi natin siya bilang Pambansang Kamao and he very well deserves the title.

Pero sa pelikula, no way, hindi talaga siya kinakagat. Kaya sana tigilan na ‘yang ilusyong sa Hollywood siya magkapangalan.

Ngayon kasi, walang puknat ang mga paid hacks ng boksingero na kesyo ilo-launch na’ng kanyang Hollywood movie career. Na kesyo tutulungan siyang isa pang B actor who’s pretending to be an American great.

Magtigilled. Pacquiao is not a star material no matter what. Tama na lang na sabihing isa siyang magaling na boksingero at tapusin na natin diyan pa lang.

As politician, hindi rin naman siya exceptional, hindi po ba? Kahit na ngayong pinepeke niya ang pagiging Evan -gelist kuno niya, walang dahilan para tangkilikin ang kanyang political career. Simply put, the Philippines doesn’t need the simple mind of a simpleton like Manny Pacquiao. We are not headed for greatness kung aasahan natin ang pamumulitika niya.

He’s better or shall we say, the best, pagdating sa boxing, hanggang diyan na lang siya nararapat!

Magsalita ka, bayang Pilipinas!

Nahulaang matatalo si Jessica Sanchez at mai-impeach si CJ Corona…

***

Madam Minnie Credo psychic ng mga artista at iba pang celebrities

WEEKS before maging number two lang si Jessica Sanchez sa American Idol Season 11, ma-impeach sa Supreme Court si CJ Corona, hinulahan na niyan matatalo ang una at si CJ ay matatanggal sa puwesto.

“Mahihirapan si Jessica, hindi pa niya panahon, kahit sa top 5 daraan siya sa butas ng karayom. Si CJ Corona naman, naniniwala akong wala siyang ng kasalanan pero magiging biktima siya ng pulikta. Hindi siya paliligtasin, kaya humanda na siyang mapatalsik sa kanyang puwesto. Hindi naman din kasi siya titigilan ng mga kaaway niya sa pulitika,” sabi pa ni Madam Minnie noong Abril pa na una namin siyang nakilala.

Bumilib kami sa kakayahan ni Madam nang ma-vote out si Jessica at kung hindi lang na-i-save ng mga judges, noon pa siya nawala.

At sa final verdict nga parehong natalo sina Jessica at CJ Corona.

We don’t think coincidence lang ang lahat. May angking galing talaga’ng psychic na ito who at middle life ng kanyang buhay, started very young.

Sa kanyang kuwento sa amin, unti-unti niyang na-develop ang kanyang third eye hanggang sa marami na’ng naniniwala sa kanya. Ilan sa kanyang mga kliyente ay mga sikat na artista at mga pulitiko. Ayaw muna niyang i-reveal ang maraming suki niya.

For those who would like to try her services, puwede po siyang tawagan o i-text sa 09292013749 or 09182068206

***

Mga komedyanteng pulpol

‘DI NA namin babanggitin kung saang network at kung sino ang mga tinutukoy naming mga baguhang komedyanteng pulpol. Sapat na yugng sasabihin naming ‘di sila nakatatawa, bagkus nakaiinis na kung anik anik na antics ang ginagawa. Kumbaga, napakatalino naman nila, having had executive positions before, pero ayan at binubugok nila ang sarili nila sa pagkukunwaring sila ay amazing bilang mga komedyante.

Yung lalaki, Diyos ko naman, wala talagang talent sa larangan ng pagpapatawa, at yung babae naman, kinakapital ang pagiging mataba at pangit para maging katawa-tawa siya. Hitsura sa kanya ng namayapang Dely Atay-Atayan, ginagawang katawa-tawa’ng sarili para lang mapagtawanan.

Aba, kung tutuusin, higit pang katawa-tawa ang isang baklitang kasama nila sa network. At least, may humor yung mga pinagsasabi nung baklita.

Balak yatang buhayin ng dalawang pulpol na komedyante ang era nina Poleng at kung sino na nga yung ka-tandem niya sa slapstick nilang pagpapatawa?

Sayang naman ang talino ng mga sinabi naming pupol kasi nga may future sila bilang mga network execs. Ewan ba naman kung bakit nabigyan sila ng network ng inspirasyon ng na maging mga komedyante. Sa true, hindi sila amazing, kundi mga pulpol lang talaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply