Honda, hindi lang basta CARS, may SUVs na rin

HONDA is definitely making a comeback! At sa pagkakataong ito, ang mga katagang bigger, better at bolder ay nararapat lamang gamitin dahil sa mga bagong models na kanilang pormal na inilunsad nitong nakaraaang linggo: Ang SUV models na Honda Pilot at Honda Odyssey.

Sa mga nakalipas na taon, tanging ang CR-V lamang yata ang nakitang Honda SUV model sa mga kalsada ng Maynila. Kilala ang Honda bilang manufacturer ng mga compact cars at sedans sa Philippine market, kaya naman ang paglaunch nila ng Pilot at Odyssey, na siyang mga SUV, ay maituturing na pleasant surprise para sa nakararami.

Ang Odyssey ay isang 8-seater capacity mini van na ideal talaga para sa mga malalaking pamilya. Ang middle and back seats nito ay foldable rin kung saka-sakaling nangangailang pa ng mas malaking cargo space. Ang Odyssey ay equipped ng trademark engine ng Honda na i-VTEC V6 (24 valves) at kumokonsumo ng 3.5L/km. At gaya ng ibang new generation vehicles ngayon, automatic ang 5-speed transmission ng Odyssey na siya ring isang Front Wheel Drive SUV.

Samantala, ang Pilot naman ay pambato ng Honda sa 4-wheel drive SUV market.Hindi lang ito basta-basta isang 4WD vehicle dahil sa may feature ito na Variable Torque Management System (VTM-4) na nagbibigay sa driver ng options kung Front-Wheel o Four-Wheel ang gusto niyang style of driving. Sa body height nitong 1,845mm at visible double-exhaust pipe nito sa likuran, ang Pilot ay talaga namang isang badass, muscle car. Ang 3.5L i-VTEC V6-run Odyssey ay sadyang ginawa para sa mga moderate to heavy duty tasks dahil mayroon din itong Hill start assist function at may towing capacity na aabot sa 2,045kg.

Ang Odyssey at Pilot ay parehong equipped ng standard safety functions gaya ng OPDS (Occupant Position Detection System), ABS (Anti-lock Braking System), EBD (Electronic Brake-force Distribution), VSA (Vehicle Stability Assist),Security system and Alarm, Driver and Passenger Airbags, at maging ang child safety feature na LATCH (Lower Tether and Anchors for Children).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply