House leaders urong-sulong sa pagpapalabas ng SALN

MISTULANG urong-sulong pa ang liderato ng Kamara sa pagpapalabas ng nilalaman ng kanilang Statement of Assets, Liabilities at Net Worth dahil sa kawalan ng  guidelines sa pagpapalabas nito.

Ikinatuwiran ni House Speaker Feliciano Belmonte na wala pang resulta ang binuong four-man committee para pag-aralan ang pagsasapubliko ng mga mambabatas sa kanilang SALN.

Dahil dito, nagpalabas ng marching order ang Speaker sa four-man committee na agad bumuo ng guidelines para sa mga kongresista.

Ayon kay Belmonte, kinausap pa lang nito sina House Deputy Speaker Pablo Garcia, Reps. Rufus Rodriguez, Rodolfo Antonio at Rex Gatchalian na pawang mula sa iba’t ibang partido.

Ayon naman kay House Majority  Floorleader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales, hindi nila mapangunahan ang pagpapalabas ng waiver para sa kanilang SALN dahil sa takot  na walang sumunod sa kanila mula sa kanilang hanay.

Nabatid na mangilan-ngilan lang na mambabatas ang naglabas ng kanilang SALN kung saan kabilang dito sina Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares, Akbayan Partylist Rep. Walden Bello, Kaka Bag-ao, Quezon Rep. Lorenzo Tanada III, Anakpawis Partylist Rep. Mariano at Palawan Rep. Antonio Alvarez.

Sa Senado, apat na senador pa lang ang lumagda ng waiver para sa kanilang peso at dollar accounts na kinabibilangan nina Senators Bong Revilla, Gringo Honasan, Antonio Trillanes at Chiz Escudero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply