HS stude kinatay ng bf, 3 pa

DAGUPAN CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng 14-anyos na high school student na natagpuang tadtad ng saksak at basag ang bungo ilang oras matapos itong makipagkita sa kanyang boyfriend at tatlo pang kalalakihan sa loob ng compound ng kanilang paaralan sa siyudad na ito.

Ayon kay P/Supt Romeo Caramat, hepe ng Dagupan PNP, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng salarin na pumaslang sa biktimang si Madelyn Guyena, incoming 2nd year high school student sa Dagupan City National High School at residente ng Sitio Palaris, Brgy. Malued, Dagupan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na mahigit 20 saksak ang naglagos sa harapang bahagi ng katawan at pinukpok pa ng malaking tipak ng bato sa ulo ang dalagita na dahilan para ma-deform ang kanyang mukha.

Ani Caramat, sa likod mismo ng DCNHS natagpuan ang katawan ng biktima dalawang oras matapos itong makitang nakikipag-usap sa isang lalaki na hinihinalang nobyo nito at tatlo pang kalalakihan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply