Huey silat sa championship round

YUMUKO sa championship round kung kaya nagkasya na lamang sa pilak na medalya sina Filipino-American Treat Conrad Huey at American Scott Lipsky sa 2012 Gerry Weber Open doubles na ginaganap sa Halle, Germany.

Nabigo sina Huey at Lipsky ng 3-6, 4-6 kontra kina top seed Aisam Ul-Haq Qureshi ng Pakistan at Jean-Julien Rojer ng Netherlands Antilles upang malagay sa runner-up honors sa naturang Association of Tennis Professionals (ATP) World Tour event.

Sa semifinals unang pinayuko nina Huey at Lipsky sina Michael Kohlmann at Florian Mayer ng Germany 7-6 (2), 6-4, para maitakda ang laban kina Qureshi at Rojer na nanaig  kina Mikhail Youzhny ng Russia at Lukasz Kubot ng Poland sa hiwalay sa semis game, 6-2, 6-4.

Ang torneo gayunman ay bilang paghahanda ni Huey sa Wimbledon Championships saa Hunyo 25 sa London, England.

Pakay ni Huey na lampasan ang third-round finish sa katatapos na 2012 French Open doubles katuwang ang dating katambal na si Dominic Inglot ng Great Britain.

Nakapagkampeon sina Huey at Inglot sa 2012 Aegon Nottingham Challenger na ginanap sa Nottingham grass court sa Great Britain.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply