Hulugang motorsiklo, kotse iimbestigahan ng DTI

MAGSASAGAWA na rin ng sariling imbestigasyon ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa mga reklamong natatanggap sa pagpabor ng mga dealer ng motorsiklo at kotse sa “financing” o “installment basis” habang isinasantabi ang mga bumibili ng cash.

Batay sa mga sumbong na kanilang natatanggap, ginagawa umano ngayon ng mga car at motorcycle dealers ang pagtutok sa “financing schemes” habang hindi binibigyan ng importansya ang mga nais bumili ng sasakyan ng cash.

Kapag “cash” naman umano ang nais ng buyer ay nagiging napakatagal ng “delivery” ng sasakyan habang kapag “installment” ay napakabilis na ilalabas ito.

Ayon pa kay Domingo, nais nilang malaman ang lahat ng detalye nito at mabatid kung lumalabag ang mga car at motorcycle dealers sa “unfair trade practice” at iba pang batas sa komersyo.

Ayon pa sa sumbong, ginagawa umano ito ng mga dealer dahil sa mas malaki ang kikitain nila kapag mas mahabang “installment” basis ang kukunin ng mga kliyente kaysa sa cash transactions habang may oportunidad pa na mahatak ang sasakyan o motor kapag hindi nagawang makapagbayad ng diretso ng buyer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply