Hunyo 11, ‘di pa deklaradong holiday

HINDI pa sigurado ang Malakanyang kung ia-anunsyo bilang non-working day ang Hunyo 11, araw ng Lunes na susundan naman ng Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na bagama’t ipit na araw ang Lunes, Hunyo 11 sa araw ng Linggo, Hunyo 10 at Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, ay hindi pa niya masabi kung idedeklarang non-working day ang Hunyo 11.

“Mukhang wala ,” ayon kay Usec. Valte.

Idinagdag pa nito ipagdiriwang naman sa itinakdang araw ang 114th Independence Day sa bansa.

Taong  2011, nang lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Proclamation No. 295, kung saan ang Hunyo 12 ay holiday bilang paggunita sa Independence Day.

“On June 12 the celebration will remain, we will celebrate when it…, Tuesday yan,” ani Usec. Valte.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply