Hunyo 11, hindi holiday – M’cañang

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang lahat na regular working at may pasok bukas, Lunes, Hunyo11, sa kabila ng naipit na araw ito sa pagdiriwang ng Independence Day, Hunyo 12.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, wala pa siyang natatanggap na advice para sa kahit na anumang “last-minute directive” kaugnay sa pag-anunsyo ng kawalan ng pasok bukas.

“May pasok sa Lunes… kasi hanggang ngayon maraming nagtatanong. Ulitin ko lang, holiday..sa, Tuesday sa mismong Independence Day,” ayon kay Usec. Valte.

At sa detalye ng nasabing okasyon, sinabi ni Usec. Valte na alas-8 ng umaga ay pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Independence Day celebration sa Barasoain Church sa Bulacan.

Kabilang sa magiging aktibidades nito ay ang wreath-laying at paghahayag ng kanyang mensahe para sa Independence Day.

Sinabi pa ng opisyal na agad na babalik ang Pangulong Aquino sa Malakanyang para sa tradisyonal na vin d’honneur  na nakatakda ng alas-9 ng umaga.

Samantala, walang magiging aktibidades ang Pangulong Aquino ngayon sa loob at labas ng Malakanyang subalit lalagdaan naman nito ang lahat ng paperwork sa Malakanyang matapos na magbalik ito mula sa isang  week-long trip sa United Kingdom at Estados Unidos.

“Normally there is time allotted for the president’s working on state papers,” ayon kay Usec. Valte.

Ngunit, sinabi nito na hindi nila inaalis na posibleng magsingit ng mga public engagements sa iskedyul ng Pangulong Aquino ngayon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply