Ibang barko pa ng Atienza Shipping Lines sinuspinde ng MARINA

KASUNOD ng paglubog ng MV Josille 2, sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang fleet operation ng Atienza Shipping Lines, may-ari ng nasabing barko.

Ayon sa MARINA, ikakansela nila ang certificate of public convenience (CPC) ng Atienza Shipping Company na pag-aari ni Silverio Atienza sa oras na mapatunayang lumabag ito sa mga patakaran.

Sinabi rin ng ahensya na sinuspinde nila ang safety certificate ng iba pang barko ng Atienza Shipping tulad ng MV April Rose.

Tiniyak naman ng MARINA na kanilang sisiyasating mabuti ang nasabing kaso upang mapanagot ang sinumang responsable sa trahedya.

Nagbigay ng 72 oras ang MARINA upang makapagpaliwanag ang mga respondents.

Kahapon, lumubog ang MV Josille 2 sa karagatang sakop ng Palawan, kung saan lima ang naitalang patay habang pinaghahanap pa ang ibang nawawalang pasahero nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply