IED nagulungan ng military truck: Sundalo patay, 3 pa sugatan

PATAY ang isang sundalo habang tatlo naman ng sugatan sa road bomb explosion na hinihinalang itinamin ng New People’s Army (NPA) rebels sa Compostela Valley kagabi (Hunyo 15).

Dead on arrival sa ospital sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Lieutenant Rodel Daguio.

Habang sugatan naman sanhi ng tinamong shrapnel sa katawan ang iba pang sundalo na sina Private First Class Richie Ursal, Staff Sergeant Arnold Pacino, at Corporal Jaime Clara.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-11:00 kagabi sa national road sa Barangay Bantacan, na malapit sa simbahan ng Iglesia ni Kristo.

Ayon kay Major Rosa Manuel, civil military officer ng 10th ID, bago ang insidente ay lulan sa military truck ang mga biktima at pauwi na sa 66th Infantry Brigade headquarters mula sa routine security patrol sa lugar nang madaanan nito ang IED na itinanim sa tabi ng kalsada.

“It was an unexpected landmining because it was near vicinity of school and Iglesia ni Kristo church,” pahayag pa ni Manuel.

Sa lakas na pagsabog, napuruhan si Daquio na nakasakay sa haparan ng military truck.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply