IED sumabog sa Masbate: 5 patawirin

PATAWIRIN ang limang kalalakihan makaraang aksidenteng masabugan ng improvised explosive device (IED) sa Masbate kaninang umaga.

Kinilala ang mga nasabu gan nasina Jhun Caparino, 25, ng Barangay Lagta Balino; Roan Cebu, 45, ng barangay Batuan; Joel Cedillo, 37, mula sa Barangay Paliki Aroroy; Jofreser Tonel, 35, ng Barangay Mariposa, at Adrain Tonel, 17, ng Barangay Matalang-talang Aroroy.

Nabatid na gumagawa ang mga ito ng pampasabog na gagamitin nila sa pangingisda.

Aksidente umanong nahulog ang isa sa mga pampasabog na agad na pinulot ng isa pang kasama nito na eksakto namang naninigarilyo.

Hindi na namalayan nito na nadikit ang kanyang sigarilyo sa dinamita hanggang sa ito ay tuluyang sumabog.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Aroroy Municipal Police Station kaugnay ng nasabing pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply