Iggy Arroyo may kapalit na sa Kamara

PORMAL nang idineklara kaninang umaga (Hunyo 3) si Binalbagan Mayor Alejandro “Bebot” Mirasol bilang bagong congressman ng ikalimang distrito ng lalawigan ng Negros Occidental na dating posisyon ng yumaong si Rep. Ignacio ‘Iggy’ Arroyo.

Tinalo ni Mirasol ang sarili nitong pamangkin at Provincial Board Member na si Emilio “Dino” Yulo III na may lamang na 3,013 na boto.

Nakakuha si Mirasol ng kabuuang 81,892 votes at nadomina nito ang mga bayan ng Isabela, La Castellana, Moises Padilla at Binalbagan na kanyang balwarte.

Umaabot naman sa 68,879 ang nakuhang boto ni Yulo na nanguna sa lungsod ng Himamaylan at bayan ng Hinigaran.

Mismong ang namumuno ng provincial board of canvassers at Negros Occidental Election Supervisor na si Atty. Jessie Suarez ang nagproklama kay Mirasol bilang congressman-elect ng 5th district pasado alas-6:00 kaninang umaga.

Dinaluhan ng mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Governor Alfredo Marañon Jr. at mga kamag-anak ni Mirasol ang proklamasyon ng kanyang pagkapanalo.

Bago pa man ang proklamasyon, ipinaabot na ng bagong 5th district congressman ang pagkatuwa nito sa nasungkit na panalo at ipinangakong gagawin sa buong distrito ang mga pagbabago na kanyang nagawa sa bayan ng Binalbagan mula noong ito ay umupo bilang alkalde.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply